IIMBESTIGAHAN | Labi ng 2 Pilipinong natagpuang patay sa Lebanon at Saudi Arabia, isasailalim sa awtopsiya

Sasailalim sa autopsy ang labi ng dalawang Pinoy na natagpuang patay sa Lebanon at sa Saudi Arabia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla, isasagawa ang autopsy ngayong araw ng court-appointed forensic doctor sa isang Pinay na tumalon mula sa apartment ng kaniyang amo.

Habang patuloy na hinihintay ng Philippine Embassy sa Riyadh ang resulta ng imbestigasyon at autopsy ng isa pang Pinay na sinasabing nagpakamatay.


Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagpakamatay umano ang dalawang OFW na ang isa ay mula sa Cagayan at sa Agusan del Sur naman ang isa pa.

Tiniyak din ng DFA ang tulong para maiuwi kaagad sa lalong madaling panahon ang mga labi ng OFW.

Facebook Comments