Negros Occidental – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagkamatay ng babaeng pygmy sperm whale na napadpad sa Sipalay City, Negros Occidental.
Ang balyena ay may habang pitong talampakan, may 47 sentimetrong lapad, at tinatayang may bigat na 100 kilo.
Nakita ang patay na balyena malapit sa daungan ng mga motorbanca kaya agad itong kinuha ng mga residente.
Bago inilibing, binuksan ng mga otoridad ang tiyan ng balyena at nakita sa loob nito ang namuong langis na nakain nito.
Wala din senyales na pinatay ang balyena dahil sa fresh pa ang dugo na lumabas sa kanyang sugat.
Facebook Comments