Manila, Philippines – Kinumpirma ni Ombudsman Conchita Carpio–Morales na iniimbestigahan na si Solicitor General Jose Calida.
Kaugnay ito sa multimillion-peso contracts ng security firm na pagmamay-ari ng kanyang pamilya sa mga government agencies
Ayon kay Morales, nagsasagawa na ng fact finding investigation kay Calida hinggil sa pagkakaroon nito ng malaking shares sa security firm na Vigilant Investigative and Security Agency (VISAI) kahit itinalaga na siya bilang SolGen nitong July 2016.
Sa fact-finding stage, aalamin ng mga imbestigador kung may probable cause na sampahan ng reklamo si Calida na susundan ng pagsasailalim sa kanya sa preliminary investigation ng Ombudsman Central Office.
Hindi na nagbigay pa ng detalye si Morales kung posibleng may pananagutan si Calida.