Libreng PCR test sa Taguig, magpapatuloy ngayong taon ayon kay Mayor Cayetano

Photo Courtesy: I Love Taguig Facebook Page

Inanunsyo ni Taguig Mayor Lino Cayetano na magpapatuloy ang kanilang libreng PCR test ngayong taon.

Ayon kay Cayetano, muling iikot ang mga kawani ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) sa mga barangay ng lungsod upang magsagawa ng PCR test.

Magkakaroon ng schedule kada barangay bawat araw na makikita sa official Facebook account ng pamahalaang lungsod.


Maliban dito, magpapatuloy rin ang scheduled testing laban sa COVID-19 ang mag barangay health center at drive-thru testing tuwing Miyerkules at Biyernes.

Sa ngayon, umaabot na sa 94,873 na mga residente ang nai-test ng pamahalaang lungsod ng Taguig laban sa COVID-19.

Facebook Comments