Manila, Philippines – Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working holiday ang September 11, 2017 o sa darating na Lunes sa buong lalawigan ng Ilocos Norte.
Base sa proclamation number 310 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang proklamasyon ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taga Ilocos Norte na ipagdiwang ang ika-100 anibersaryo ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at makilahok sa mga inihandang aktibidad ng lalawigan.
Nakasulat sa proklamasyon, ito ay para kilalanin ang naging ambag ng dating pangulo sa bansa bilang isang war veteran, legislator o mambabatas at ika-10 pangulo ng republika.
Nilagdaan naman ang nasabing proklamasyon noong September 6.
Facebook Comments