Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, happy sa bilang ng mga followers nito sa Instagram

Showbiz – Itinuturing ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na social media milestone ang pagkakaroon niya ng 5 million followers sa kanyang Instagram.
Sa larawan na ipinost ni Pia na naka-Korean “finger heart” gesture, pinapasalamatan niya ang kaniyang mga followers at umaasang dadami pa ito sa mga susunod na araw.
Matatandaan na ilang buwan lang ay masayang ibinalita ng Filipino-German beauty queen ang pagkakaroon niya ng one million followers sa IG.
Si Pia ay isa sa mga most followed Filipino celebrities sa Instragram sumunod kina Anne Curtis na mayroong 7.6 million followers, Liza Soberano (6.1 million) at kina Kathryn Bernardo at Vice Ganda, na mayroong 5.2 million followers.

Facebook Comments