IKA-100 ANIBERSARYO NG KAUNA-UNAHANG UNIBERSIDAD SA DAGUPAN, IPINAGDIWANG

Ipinagdiwang ng PHINMA-University of Pangasinan ang 100th Founding Anniversary nito noong Sabado sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen.

 

Ang selebrasyon ay dinaluhan ng mga estudyante, alumni, at guro bilang pag-alala sa makulay na kasaysayan ng unibersidad.

 

Nagsimula ang programa ng mga pagtatanghal mula sa mga estudyante at kilalang banda.

 

Tinalakay din sa okasyon ang mga hakbang ng paaralan upang mapabuti pa ang edukasyon at tulungan ang mga estudyante na magtagumpay sa kanilang mga larangan.

 

Ayon kay Dr. Catherine Garcia, Chief Operating Officer ng PHINMA University of Pangasinan, ipagpapatuloy ng unibersidad ang mataas na kalidad ng edukasyon.

 

Ang Presidente ng Alumni na si Robert Mendoza, ikinagagalak ang mga hakbang ng paaralan upang mas mapabuti pa ang edukasyon sa bansa.

 

Ilang estudyante naman ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan bilang parte ng selebrasyon ng ika Isang Daan ng unibersidad.

 

Bago matapos ang Gabi, binigyang pugay ang mga ang mga alumni at guro na nag-ambag sa tagumpay ng unibersidad.

 

Itinatag ang PHINMA-University of Pangasinan noong 1925 at hanggang sa ngayon patuloy ang serbisyo nito sa mga kabataan bilang paghubog na maging pag-asa ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments