
Muling umaapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na huwag nang magdala ng armas kung hindi kasama sa mga exempted sa ilalim ng ipinatutupad na election gun ban.
Ito’y matapos lumabas sa kanilang datos na nasa 1,197 na ang lahat ng nahuli makaraang lumabag sa naturang patakaran.
Kasama na rito ang ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na may tag-7 na ang hinuli.
Maliban pa sa isang civilian armed auxiliary at anim na miyembro ng iba pang law enforcement agency.
Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 1,139 ang mga inarestong sibilyan dahil sa gun ban kasama ang 24 na security guards at 6 na mga dayuhan.
Facebook Comments