IKA-100 NA BLOOD SERVICE FACILITY NG PHILIPPINE RED CROSS, PINASINAYAAN SA SAN CARLOS CITY

Matagumpay ang ginawang pagpapasinaya ng pamunuan ng Philippine Red Cross ang Blood Service Facility nito na matatagpuan sa barangay Agdao, San Carlos City sa lalawigan ng Pangasinan na pinangunahan ng PRC Chairman & CEO kasama ang alkalde at buong lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Carlos.
Ang proyektong ito ay Inaasahang maghahatid ng malaking tulong para sa mga residente sa lungsod at mga kalapit-bayan na mangangailangan ng suplay ng dugo.
Nabatid na sa kasagsagan din ng pandemya ay marami ang nangailangan ng dugo kung saan nakitaan ng mababang suplay ito sa mga blood banks dahil sa nagkaroon ng restrictions ang pagdo-donate ng dugo.

Ito na ang ika-isandaang (100) Blood Facility sa buong bansa at inaasahan na madadagdagan ito hanggang isandaan at labing-lima (115) bago matapos ang taong kasalukuyan. | ifmnews
Facebook Comments