Biyahe ng mga barko papuntang Samar, suspendido dahil sa Bagyong Agaton

77

Sinuspinde muna ng Philippine Coast Guard (PCG) Sorsogon Station ang biyahe ng mga barko mula Matnog, Sorsogon patungong Allen, Northern Samar dahil sa Bagyong “Agaton”.

Sa abiso ng PCG, kanselado rin ang lahat ng biyahe ng mga barkong may ruta papuntang Eastern Samar, nalalabing bahagi ng Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Camotes Islands.

Ang mga nabanggit na lugar ay isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa bagyo.


Facebook Comments