Ika-11 kaso ng COVID-19, naitala sa Batasan Complex

22

Naitala ang pang-labing isang (11) kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, ang 11th COVID-19 case sa Kamara ay mula sa empleyadong nakatalaga sa Committee on Justice.


Dumalo pa sa pagdinig ng komite ang empleyado noong Hunyo 15, 2020.

Huling pumunta naman sa Batasan Complex ang empleyado noong Hunyo 24, 2020 para kumuha ng mga gamit.

Paalala ni Montales sa publiko na maging maingat sa panahon ngayon na naging maluwag ang community restrictions at nagbukas ang ekonomiya dahil naging mas lantad ang mga tao na mahawa ng virus.

Facebook Comments