₱3.4-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa isang babae sa Taguig City

Nalambat ng mga otoridad ang 45-anyos na babaeng si Saida Kadilon, walang trabaho at residente ng Maharlika Village, Taguig City.

Nakumpiska mula kay Kadilon ang ₱3.4-million na halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa magkakahiwalay na selyadong sachet at may kabuuang timbang na 500 grams.

Si Kadilon ay inaresto sa pamamagitan ng isang Buy-bust operation na isinagawa sa parking lot ng Sunshine Mall Plaza, sa Brgy. Western Bicutan, Taguig City.


Ang buy-bust operation ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang Taguig City Police Station.

Facebook Comments