Ginugunita ngayong araw ng mga ka-anak at kasamahan sa media ang ika-12 anibersaryo ng Maguindanao Massacre sa Ampatuan, Maguindanao.
Magsasagawa mamayang hapon ng candle lighting ang mga kaanak ng mga biktima sa General Santos City.
November 23, 2009 nang walang awang pinagpapatay ang 58 na indibidwal, kasama ang 32 mamamahayag na naka-convoy noon sa kampo Ni Maguindanao 2nd District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu sa paghahain ng certificate of candidacy sa pagka-gobernador.
Kasabay nito, sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director Undersecretary Joel Egco na may ilan pang akusado ang hindi naaaresto.
Ayon kay Egco., matapos hatulan ang magkakapatid na ampatuan at iba pa noong December 19, 2019 ay may hinahabol pa silang 75 respondents at large.
Ang Maguindanao Massacre ang itinuturing na worst election-related violence sa Pilipinas.