Target na Mabakunahang Indibidwal kontra COVID-19, Malapit nang Maabot ng Quirino Province

Cauayan City, Isabela- Nasa 14.99% na lang ay makakamit na umano ng lalawigan ng Quirino ang herd immunity batay sa datos ng Provincial Government.

Sa ngayon, nasa 55.01% na ang fully-vaccinated individuals mula sa 70% target population ng probinsya.

Sa kabila nito, patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na kasalukuyang nasa 130 matapos makapagtala ng dagdag na pitong indibidwal na nagpositibo.


Nakapagtala naman ng kabuuang 239 na kaso ng pagkamatay may kaugnay sa COVID-19 habang 6,790 na ang recovered mula sa sakit.

Patuloy naman ang paghimok sa publiko na magpabakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng severe COVID-19 virus.

Facebook Comments