Ika-123 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan, ipinagdiriwang ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw sa buong bansa ang ika-123 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.

Sa Luneta Park sa Maynila, pinangunahan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang flag raising ceremony kaninang alas-8:00 ng umaga, kasama sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno at National Historical Commission of the Philippines Chairperson Rene Escalante.

Nag-alay rin ng bulaklak ang mga opisyal sa monumento ni Dr. Jose Rizal.


Samantala, isang simultaneous flag raising at wreath-laying ceremonies ang idinaos din sa Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite at Barasoain Church sa Malolos, Bulacan.

Pinangunahan ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, ang apo sa tuhod ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo ang seremonya sa Kawit, Cavite habang si Bulacan Governor Daniel Fernando naman ang nanguna sa wreath-laying ceremony sa monument ni Heneral Aguinaldo sa Malolos, Bulacan.

Facebook Comments