Ika-124 na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, ginugunita ngayong araw; Pagkakaisa at pagiging makabayan, ipinanawagan ni Pangulong Duterte

Pinangunahan nina Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana at Manila Mayor Isko Moreno ang pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng pagkamatay ni Jose Rizal sa Luneta Park sa Maynila.

Magkasamang nanguna sina Moreno at Lorenzana sa flag-raising at wreath laying ceremony.

Ang tema ngayon taon sa paggunita ay “Jose Rizal: Inspirasyon sa Pagbangon at Paghilom ng Bayan”


Kasabay nito, nanawagan naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na isabuhay ang pagkakaisa at patriotism para sa pagbabago sa lipunan.

Sa kanyang virtual message, ipinaalala ng pangulo ang kabutihan at mga aral ng ating pambansang bayani.

Bukod sa Rizal Park, ilang programa din ang isinagawa sa mga museo ni Rizal sa Calamba, Laguna; Dapitan, Zamboanga Del Norte; at Fort Santiago, Intramuros, Manila.

Nakatakda namang magsagawa ng ilang online activities ang National Historical Commission of the Philippines mamayang 2:00 ng hapon kung saan sasariwain ang mga naging ambag ni Rizal sa lipunan.

Facebook Comments