Pinangunahan ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa pamamagitan ng virtual launching kasama ang iba pang national officials at si Governor Marilou Cayco ang halagang P5 milyong pondo sa illaim ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) habang ang karagdagang pondo ay ipapamahagi sa susunod na buwan.
Sa kasalukuyan, mayroon ng P10 million na halaga ng MAIP na inilaan sa lalawigan mula sa tanggapan ng Senador.
Bukod dito, naglaan naman ng karagdagang P2 milyon ang Office of the President para sa dagdag na pondo ng Malasakit Center sa probinsya.
Samantala, emosyonal naman na nagpasalamat si Governor Cayco sa kagandahang-loob ng senador para sa probinsiya ng Batanes.
Mas magiging accessible na ang health services para sa mga pasyenteng Ivatan na kapus-palad.