IKA-16 NA BALAY SILANGAN REFORMATION CENTER SA PANGASINAN, BINUKSAN SA SANTO TOMAS

Binuksan na sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan ang ika-16 na Balay Silangan sa lalawigan na magsisilbing reformation center para sa mga dating drug offenders.

Pinasinayaan ang pasilidad sa Barangay San Antonio noong Marso 13 sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kabilang sa mga programang ipatutupad sa Balay Silangan ang pagbibigay ng edukasyon, psychological intervention, at livelihood training para sa mga benepisyaryo.

Samantala, nagsagawa rin ng on-site verification sa sampung barangay ng bayan bago ang pagbubukas ng center upang suriin ang kanilang drug-free status.

Batay sa ulat, nananatiling nag-iisang munisipalidad sa Region 1 ang Santo Tomas na may drug-free status. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments