Bumagal sa 1.1 porsyento ang inflation rate sa Ilocos Region nitong Pebrero 2026, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Mas mababa ito kumpara sa 1.3 porsyento noong Enero, na nagpapahiwatig ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa rehiyon.
Ayon sa PSA, ang pangunahing sektor na nagtulak sa inflation ay ang restaurants at accommodation services (56.2% share o 0.6 percentage point), housing at utility services gaya ng tubig, kuryente, gas at iba pang panggatong (23.6% share o 0.3 percentage point), at education services (7.2% share o 0.1 percentage point).
Sa pambansang antas, tumaas sa 2.4 porsyento ang inflation ng Pilipinas noong Pebrero mula sa 2.0 porsyento noong Enero.
Kaugnay nito, binabantayan ng gobyerno ang presyo ng bilihin upang masiguro ang katatagan ng ekonomiya at proteksyon sa mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








