Ipinagdiwang nitong araw ng Biyernes, ika-19 ng Enero taong kasalukuyan ang taunang selebrasyon ng Talong Festival sa bayan ng Villasis.
Sa bisa ng Memorandum no. 001-01-12-2024 idineklara ng lokal na pamahalaan ang araw kahapon na walang pasok sa mga opisina at mga paaralan bilang pakikiisa sa naturang selebrasyon.
Ito ang ika-19 taong anibersaryo ng Talong Festival na isineselebra tuwing buwan ng Enero kung saan isa ang talong sa kanilang one-town one product at kilala rin ang bayan bilang isang agricultural town, isa sa Vegetable Basket of the North at Vegetable home of Pangasinan.
Siyam na araw itong ginugunita na may iba’t ibat mga aktibidad kung isa sa kanilang highlight ngayong taon ang Field Demonstration, Talong Cookfest at Street Dancing Competition na nilahukan ng mga mag-aaral sa bayan gamit ang kani-kanilang mga makukulay na costume at nagpasarapan naman ang mga kabilang sa cook fest iba’t ibang mga luto ng talong.
Samantala, ito na ang ikalawang taon sa muli nilang pagbabalik ng selebrasyon bunsod ng nagdaang pandemya na nagpatigil sa mga pagtitipon.
Labis-labis naman ang tuwa at saya ng mga taga-Villasis maging ng mga dumayo pa mula sa karatig bayan upang saksihan ang ang taunang “Talong” Festival ng bayan. | ifmnews📸contributed photo
Facebook Comments