Ika-20 petisyon kontra Anti-Terror Law, inihain sa Korte Suprema; pag-consolidate sa lahat ng petitions, ipinag-utos ng Supreme Court

Umaabot na sa 20 ang mga petisyon na naihain sa Korte Suprema kontra sa Anti-Terror Act.

Ang ika-20 petisyon ay inihain ng mga kabataang estudyante mula sa Cebu City.

Nagsilbing kinatawan ng grupo ang Free Legal Assistance Group-Cebu chapter.


Tulad ng mga naunang petisyon, hiniling din nila ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para mapigilan ang pagpapatupad ng Anti-Terror Law na epektibo na noong July 18, 2020.

Samantala, sa En Banc Session kanina ng mga mahistrado ng Korte Suprema, ipinag-utos ng mga ito ang pag-consolidate sa naunang 19 na petitions na inihain ng iba’t ibang sektor kabilang na ang mga militanteng mambabatas, oposisyon at law experts.

Facebook Comments