Ika-3 chartered flight na susundo sa mga Pinoy sa Lebanon, plantsado na

29

Plantsado na ang ikatlong chartered flight na susundo sa 300 mga Pilipino sa Lebanon.


Aalis ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasabing eroplano sakay ang ilang tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa September 25 ng alas-4:00 ng madaling araw at babalik sa Pilipinas ng September 26 ng umaga.

Ang nasabing flight ay magde-deliver din ng relief goods para sa Filipino communities doon.

Ito ang ikatlong chartered flight simula nang mangyari ang pagsabog sa Port of Beirut noong nakalipas na buwan.

Facebook Comments