Ika-34 ‘Balay Silangan’ sa Rehiyon Dos, Pinasinayaan

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang ika-34 na panibagong Balay Silangan sa buong Lambak ng Cagayan.

Unang pinasinayaan kahapon, Nobyembre 10, 2021 ang ika-33 na Balay Silangan sa rehiyon dos sa Buguey, Cagayan at isinunod naman ngayong araw, Nobyembre 11 ang pang-34 na bagong Balay Silangan Reformation Center sa bayan ng Reina Mercedes sa Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay PDEA Regional Director Joel Plaza, mula sa 2,311 na mga barangay sa buong Lambak ng Cagayan, 2,015 na sa mga ito ang idineklarang drug cleared.


Facebook Comments