Bubuksan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Eastern Communications ang 34 na MNLKonek Digital Kiosks sa University of Santo Tomas (UST).
Sa anunsyo ng Manila City Public Information Office, pangungunahan bukas ni Mayor Isko Moreno ang unveiling ng digital kiosks sa Gate 2 ng University Belt kasama si Edsel Paglinawan, ang head ng product and innovation ng Eastern Communications.
Ang MNLKonek digital kiosk ay mayroong hanggang 200 Mbps na internet speed at kayang makakonekta ng 100 users ng sabay-sabay.
Maaari din makagamit ng local phone calls ang publiko gayundin ang makapag-charge ng cellphones, makatawag sa emergency hotlines, at makapag-browse ng internet ng libre.
Ang nasabing digital kiosk ay mayroon ding built-in tablet na pwedeng magamit sa pag-browse ng mga impormasyon, directions, maps at iba pa.
Matatandaan na Agosto noong nakaraang taon ng inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kauna-unahang MNLKonek digital kiosk sa Bonifacio Park malapit lamang sa Manila City Hall.