Mga Turista, Bawal nang Dumaan sa Sadanga, Mt. Province

21

Cauayan City, Isabela- Mahigpit nang ipinagbabawal ngayon sa mga dadaang turista sa main road ng Sadanga, Mt Province.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Gabino Ganggangan ng Sadanga, Mt. Province, naglabas ito ng Executive Order No. 18-2020 na ibinaba noong ika-28 ng Hulyo 2020 na lahat ng mga turista na dadaan sa Sadanga patungong Tinglayan, Kalinga ay hindi muna papayagan ng lokal na pamahalaan.

Suhestiyon nito sa mga turista lalo na sa mga nais magtungo na magpatattoo sa Buscalan ng bayan ng Tinglayan na dumaan na lamang sa ibang ruta.

Ito ay para sa kaligtasan at maiwasan din ang anumang hindi inaaasahang magandang pangyayari dahil sa tribal war na namamagitan sa probinsya ng Mt. Province at Kalinga.

Dagdag pa ng alkalde, itoโ€™y hakbang na rin aniya para maiwasan ang anumang transaksyon sa illegal na droga sa kanyang nasasakupan.

Mensahe nito sa kanyang mga kababayan na huwag mag-alala dahil tanging para lamang sa mga turista ang binabawalang dumaan sa Sadanga.

Facebook Comments