Ika-5 Positibo ng COVID-19, Naitala ng Batanes

Cauayan City, Isabela- Naitala ng lalawigan ng Batanes ang ika-limang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng RT-PCR test ng pasyente nitong Sabado, March 21.

Batay sa abiso ng Provincial Government, isang 26-anyos na lalaki ang dumating sa probinsya mula sa Quezon City noong March 20 lulan ng Philippine Airlines at residente ng bayan ng Basco.

Sa inisyal na findings ng doktor, mayroon itong pamamaga sa lalamunan o sore throat na isa sa sintomas ng COVID-19.


Nagsagawa na rin ng health cluster ng contact tracing sa lahat ng kanyang posibleng mga nakasalamuha partikular na kinuhanan ng pagsusuri ang mga nakasabay nito sa eroplano.

Samantala, patuloy pa rin na inoobserbahan ang ika-apat na confirmed case sa lalawigan.

Facebook Comments