State of emergency, ipinatupad sa Miami kasunod ng spring break event

Nagdeklara ng state of emergency ang lungsod ng Miami sa Florida matapos ang spring break event na malaking banta sa pagdami ng COVID-19 infections.

Ayon kay Miami Beach Mayor Dan Gelber, magpapatupad sila ng curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga na tatagal ng tatlong linggo.

Isasara rin ang mga negosyo sa lugar at mga kalsada.


Ang spring break ay isang holiday period sa mga paaralan at unibersidad sa Estados Unidos tuwing buwan ng Marso o Abril.

Facebook Comments