Mensahe ng pag-asa na maisasabatas ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na s’yang
inaasahang tutugon sa ilang dekada nang pakikibaka ng Bangsamoro.
Ito ang buod ng naging pahayag ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa ika-50
taon paggunita sa Jabidah Massacre nitong Linggo, March 18, sa Corregidor
Island sa Cavite.
Ang Jabidah Massacre ay isa lamang umano sa maraming kawalan ng katarungan
laban sa mamamayang Moro at ikinikonsiderang mitsa ng Bangsamoro struggle.
Ang commemoration at hudyat ng pagtatapos ng selebrasyon ng 2018 Bangsamoro
Week of Peace na may temang “Hope and Solidarity in Struggle.”
Samantala, mahigit 30 Moro youth leaders mula sa iba’t-ibang bahagi ng
bansa ang nagtipon sa Corregidor Island para sa Moro Youth Peace Camp na
inorganisa ng Office on Bangsamoro Youth Affairs.
Pokus nito ang kasaysayan ng Moro struggle at ang papel ng kabataan sa
pagpanday ng kapayapaan.