IKA-51ST DEATH ANNIVERSARY NI COL. MELCHOR F. DELACRUZ, GINUNITA

Ginunita nitong ika-9 ng Nobyembre, taong kasalukuyan ang ika-51st death anniversary ni late Colonel Melchor F. Delacruz sa pamamagitan ng isinagawang wreath laying ceremony.

Ginanap ang nasabing seremonya sa loob ng 5th Infantry “Star” Division, Philippine Army sa bayan ng Upi, Gamu, Isabela.

Pinangunahan ni Department of National Defense Senior Undersecretary Jose Faustino Jr, Officer-In-Charge., at 5ID Commander BGen Audrey Pasia katuwang ang ilang matataas na opisyal ang nasabing pagbibigay pugay.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ang ilang miyembro ng pamilya ni dating Col. Delacruz, ilang beterano sa larangan ng militar, City of Ilagan Mayor Jay Diaz, at City Councilor Jay Eveson “Jayvee” Diaz.

Ang pagbibigay pugay ay bilang paggunita sa kabayanihan na ipinamalas ni dating Col. Delacruz bilang pakikipaglaban sa insurhensya sa nasasakupan nito partikular sa lambak ng Cagayan.

Namatay si Col. Dela Cruz noong November 8, 1971 matapos bumagsak ang sinasakyan nitong helicopter para sa isang reconnaissance mission matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng komunista sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Facebook Comments