Ika-52 anibersaryo ng Plaza Miranda Bombing, ginugunita sa Maynila

Gunugunita ngayong araw ng Lunes, August 21, ang ika-52 anibersaryo ng Plaza Miranda Bombing.

Kaugnay nito, ilang human rights group ang nagkasa ng wreath laying at maikling seremoniya sa Plaza Miranda.

Maging ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nakiisa sa paggunita ng Plaza Miranda Bombing kung saan nag-alay rin sila ng bulaklak.


Iba’t ibang grupo rin ang nagtungo rito upang mag-alay ng bulaklak at magsagawa ng maikling panalangin kung saan dumalo dito ang apo ni Sen. Ninoy Aquino Jr. na si Francis Aquino Dee na anak ni Biel Aquino.

Nag-deploy rin ang Manila Police District (MPD) ng kanilang tauhan para magbantay sakaling may magsagawa ng mga programa may kaugnayan sa naganap ma Plaza Miranda Bombing.

Nais kasi ng MPD na maging masiguro ang seguridad at kaayusan sa paligid ng Quiapo.

Facebook Comments