Ika-7 sunod na linggong taas-singil sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas

Manila, Philippines – Sa ikapitong sunod na linggo, magpapatupad ng taas presyo ang mga kumpaniya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Epektibo bukas ng alas-6 ng umaga, ipapatupad ng Shell ang P0.65 dagdag sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel at kerosene naman ay parehong may dagdag na P0.10 kada litro.


Inaasahan namang susunod na ring mag-aanunsyo ng oil price hike ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

 

 

Facebook Comments