IKA-75 | PH passport, isa sa pinakamakapangyarihang pasaporte sa buong mundo

Manila, Philippines – Itinanghal ang Philippine Passport bilang ika-75 sa pinakamakapangyarihang pasaporte sa buong mundo.

Base sa 2018 Henley Passport Index, ang Philippine passport ay may visa-free access sa 66 na destinasyon.

Kahati ng Pilipinas sa 75th place ang mga bansang Azerbaijan, Dominican Republic, at Tunisia.


Ang Japan ang world’s strongest passport na may visa-free o visa-on-arrival access sa 190 bansa.

Ikalawa sa makapangyarihan ang Singaporean passport na may visa-free access sa 189 na destinasyon.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Germany, France at South Korea.

Ang Iraq at Afghanistan ang pinakamahinang passport na nasa 106th spot na may visa-free access lamang sa nasa 30 bansa.

Facebook Comments