MANILA – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-walongpu’t-isang (81) anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.Sa kanyang talumpati, ayon kay Pangulong Duterte – magpapatuloy pa rin ang opensiba ng pamahalaan laban sa mga Abu Sayaff Group at iba pang bandidong grupo.Kasabay nito, makikipagtulungan ang Pilipinas sa Malaysia at Indonesia para palakasin ang maritime security at maiwasan ang insidente ng kidnapping.Sinabi naman ni AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla – lubos namang nagpapasalamat ang pagpapahalaga ni Pangulong Duterte sa militar.Suportado din aniya ng AFP ang isinusulong na peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDFP.Tiniyak naman ng AFP na patuloy silang nakabantay at naka-alerto para masiguro ang kapayapaan at seguridad ng bansa sa kabila ng banta ng terorismo.
Ika 81 Anibersaryo Ng Afp, Pinangunahan Ni P-Duterte
Facebook Comments