Ika-99 Malasakit Center, Binuksan sa Nueva Vizcaya

14

Cauayan City, Isabela- Pormal nang binuksan ang ika-99 Malasakit Center sa Region 2 Trauma and Medical Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya ngayong araw.

Matatandaang ipinanukala ito ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go na magkaroon ng one-stop-shop upang maagap na makatugon ang gobyerno sa mga residenteng mangangailangan ng agarang tulong.


Binubuo ang Malasakit Center ng ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Health Insurance Corporation, Office of the Special Assistant to the President at iba pa.

Naglaan naman ng P5 milyon ang pamahalaan sa ilalim ng revolving fund upang magamit ng naturang ospital.

Pinangunahan naman ni Vice-Governor Jose Tomas Sr. ang pagpapasinaya sa bagong bukas na Malasakit Center habang nagbigay naman ng virtual message si Sen. Bong Go.

Facebook Comments