Ika-anim na sunod na panalo, nasungkit ng Cavaliers

NBA – Umiskor si Lebron James ng 23 points sa fourth quarter para maungusan ng Cleveland Cavaliers ang Brooklyn Nets sa iskor na 109-99.

Bumuo si James ng 33 points at dinagdagan pa ito ng 18 points ni Dwyane Wade at Kevin Love para umabante ang Cavs.

Dahil sa panalo, nasungkit ng Cavs ang kanilang ika-anim na sunod nitong panalo.


Si Rondae Hollis-Jefferson naman ay kumamada ng 20 points para sa Nets.

Facebook Comments