Cauayan City, Isabela- Bumiyahe na patungong South Korea ang ika-apat na batch ng farmer interns ng Isabela para sa Seasonal Agricultural Sector Development Exchange Program.
Umalis ang grupo ng mga magsasaka sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas 11:00 kagabi, May 14, 2022 at lumapag kaninang madaling araw sa Seoul Incheon International Airport patungo sa Yanggu County, South Korea.
Ang ika-apat na batch ay binubuo ng 14 na lalaking farmer interns na nasa edad 30 hanggang 40 taong gulang mula sa mga bayan ng Cabagan, Tumauini, San Isidro, Roxas at City of Ilagan.
Magtatrabaho ang mga ito sa Yanggu Country ng limang (5) buwan para sa mas mapahusay ang kanilang kaalaman, kasanayan at karanasan sa paggamit ng mga modernong teknolohiya sa pag-ani ng mga agrikultura tulad ng prutas, at mga gulay.
Facebook Comments