SHABUNG NAGKAKAHALAGA NG P340K, KUMPISKADO SA DALAWANG KATAO SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Umaabot sa humigit kumulang limampong gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawa katao sa ikinasang buy bust operation laban sa mga ito sa Lungsod ng Dagupan.
Ikinasa ang buy bust operation pasado alas tres ng hapon ng ika-14 ng Mayo sa Brgy.
Lucao district sa nasabing lungsod na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek na nakilalang sina Edimar Maramba at Esmael Amal pawang residente ng lungsod.

Matagal din umanong minanmanan ang mga suspek kung saan ay isinagawa na ang nasabing buy bust at pagkakakumpiska.
Sa nasabing bilang ng shabu na nagkakahalaga ito ng P340, 000. Inihahanda na ang kasong RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek. | ifmnews
Facebook Comments