Manila, Philippines – Matagumpay na nagtapos ang 4th round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunista sa The Netherlands.
Tinapos ito ng dalawang panig kung saan ikinasa nila kaagad ang 5th round ng peace talks bago matapos ang buwan ng Mayo na gaganapin pa rin sa Holland, The Netherlands.
Kasabay din nito, baon ng magkabilang kampo ang Joint Interim Ceasefire na hindi naman kaagad magiging epektibo dahil hihintayin pang isapinal ang ground rules para sa mas matatag at permanenteng ceasefire na nakikitang maikakasa bago matapos ang taon.
Nabatid na ang pinakapinagtatalunang usapin ay ang isyu sa pangongolekta ng mga miyembro ng New People’s Army ng revolutionary tax sa Mindanao.
Pero sa huli, napagkasunduang talakayin na lamang ito kasabay ng pagbabalangkas ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).
Nation”