Ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa, pagaling na ayon sa DOH

Patungo na sa paggaling ang ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga lesions ng fourth patient ay natutuyo na.

Dagdag pa ni Vergeire, sasailalim pa rin ito sa clearance ng kaniyang mga doktor bago ma-discharge mula sa isolation.


Kaugnay nito, hindi pa rin kinukumpirma ng DOH kung local transmission ba ang dahilan ng pagkakahawa nito ng virus bunsod ng wala itong travel history sa anumang bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Sa ngayon, naka-isolate pa rin ang apat sa close contacts ng ika-apat na kaso ng monkeypox habang ang isa ay nagse-self-monitoring, isa ay nag-aassist sa pasyente sa pasilidad habang natapos na ng 14 ang kanilang quarantine.

Samantala, natapos na ng ikalawa at ikatlong kaso ng monkeypox ang kanilang isolation kahapon kung saan wala nang karagdagang sintomas na nakita sa kanila pero ayon sa DOH ay hihintayin pa rin final assessment at clearance nito bago ma-discharge.

Facebook Comments