Ika-apat na mega vaccination hub sa Taguig, binuksan na sa publiko

Binuksan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang ika-apat na mega vaccination hub nito sa Bonifacio High Street.

Sa statement na inilabas ng Taguig City Government, matatagpuan ang mega vaccination center sa ikalawang palapag ng B7, Lane P., Bonifacio High Street East sa Fort Bonifacio.

Kayang makapag-accommodate ng nasabing vaccination hub ng hanggang 400 katao.


Bukas naman ito araw-araw ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ito na rin ang ika-walo sa vaccination centers ng siyudad sa pakikipagtulungan ng AC Health ng Ayala Group.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, nagpapasalamat siya sa mga private partners dahil sa commitment ng mga ito na ilapit sa mga tao ang vaccination program ng pamahalaan.

Ang lungsod ay may tatlong iba pang mega vaccination hub na matatagpuan sa SM Aura, Lakeshore Area at Vista Mall Parking Building.

Facebook Comments