PNP Chief General Debold Sinas, hindi magrerekomenda ng papalit sa kanyang pwesto

Walang gagawing rekomendasyon si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas para ipalit sa kanya bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Sinas, hindi saklaw ng kaniyang kapangyarihan ang magrekomenda.

Aniya tanging si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año lamang ang may kapangyarihan na magrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang susunod na PNP Chief.


Paliwanag ni Sinas kahit sino sa mga heneral sa ngayon sa PNP ay may kakayahan na pamunuan ang organisasyon.

Siniguro ni Sinas na kung sinuman ang mapili ng Pangulo ay tiyak na susuportahan ito ng buong hanay ng PNP.

Si General Sinas ay magreretiro na sa serbisyo sa May 8.

Facebook Comments