Thursday, February 26, 2026

Ika-apat na Philippine Book Festival, aarangkada na sa Marso; ilang bigating guest, nakahilera ngayong taon

All set na ang National Book Development Board (NBDB) para sa gaganaping Philippine Book Festival ngayong taon.

Sa ginanap na media launching, ibinahagi ng NBDB ang tema na Gubat ng Karunungan at ipinasilip din ang magiging hitsura ng venue.

Ayon kay NBDB Executive Director Charisse Aquino-Tugade, patuloy ang kanilang kampanya para maging number one o kahit pangalawa ang pagbabasa bilang habit ng mga Pilipino sa kanilang free time.

Isinusulong din nila na tangkilikin ang ating mga kababayan ang mga proudly Pinoy books.

Present din sa event ang ilang authors na sina Segundo Matias, CJ Reynaldo, Ronaldo Vivo, Nelson Canlas, at Jose “Butch” Dalisay Jr.

Dumalo rin sa media launch ang tinaguriang godfather of Philippine publishing na si Atty. Jimmy Buhain.

Sa panayam naman ng DZXL News kay Yasmien Kurdi, sinabi nitong bago sa kanya ang lahat bilang first-time na ma-invite sa Philippine Book Festival.

Nanawagan si Yasmien na tugunan ang issue ng bullying sa mga paaralan at hinikayat ang mga bata na huwag matakot na magsumbong kapag nakaranas ng pambu-bully.

Samantala, iniimbitahan din ng aktres ang lahat na pumunta sa P-B-F at suportahan ang kanilang collaboration book kasama ang broadcaster na si Nelson Canlas.

Gaganapin ang 2026 Philippine Book Festival sa March 12 hanggang 15 sa SM Megamall Megatrade Hall.

Ilan sa mga aasahang guest ay ang kilalang comic strip cartoonist na si Mannix Abrera, phenomenal Wattpad author na si Jonaxx, at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

Facebook Comments