Cauayan City- Matagumpay na idinaos sa FLDY Coliseum kanina ang ika-apat na taong pagdiriwang sa anibersaryo ng Nagkakaisang AKO OFW ng Isabela Federation at Southern Isabela Overseas Filipino Workers Saving and Credit Cooperative na may temang nagkakaisang mga OFW.
Ang naturang pagdiriwang ay dinaluhan naman ng kanilang panauhing pandangal na si Ginoong Chie Umandap ang AKO OFW Chairman.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Joylita Recto, ang presidente ng AKO OFW organization dito sa lalawigan ng Isabela ay inihayag nito na nasa mahigit kumulang dalawang libong mga OFW at mga kaanak ng mga ito ang dumalo.
Samantala, kanina sa naging pananalita ni Ginang Recto ay sinabi nito na nag-umpisa umano ang kanilang cooperatiba noong ika isa ng Setyembre 2014 kaya’t pinasalamatan nito ang ibang mga matataas na opisyal ng kanilang samahan dahil sa kanilang tulong sa pagpapalawig ng kanilang organisasyon.
Dagdag pa rito ay nagsagawa din ng Talent show ang ilang mga OFW at nagsagawa din ng raffle draw upang mas lalong mapasaya ang mga dumalo habang kanina ay matagumpay ding natapos ang kanilang Oath Taking at Mass Induction para sa mga bagong halal na opisyal ng Nagkakaisang AKO OFW.