Friday, February 20, 2026

Ika-pitong anti-political dynasty bill, inihain ng isang senador

Inihain ni Senator Loren Legarda ang ikapitong Anti-Political Dynasty Bill na nagbabawal sa sabay-sabay at sunod-sunod na panunungkulan ng mga magkakamag-anak sa gobyerno.

Sa Senate Bill 1854, isinusulong ni Legarda na pagbawalan na kumandidato o humawak ng anumang elective office ang sinumang tatakbo kapag magbubungga ito ng political dynasty.

Paiiralin ito hanggang second degree of consanguinity o affinity, lehitimo at hindi lehitimo, at sa legally adopted.

Batay sa New Civil Code of the Philippines, nasa second degree ang magulang at anak, asawa ng anak, kapatid, lolo, lola at apo.

Nakasaad sa panukala na may kapangyarihan ang Commission on Elections (COMELEC) na kanselahin ang certificate of candidacy ng isang kandidato na madedeterminang may political dynasty relationship.

Facebook Comments