Ika-tatlumpot siyam na anibersaryo ipinagdiriwang ngayon ng RMN-Dipolog

Ipinagdiriwang ngayong araw ng RMN-Dipolog ang ika-tatlumpot siyam na anibersaryo.

Kaninang alas sais ng umaga isang misa pasasalamat ang ginawa na pinangungunahan ni Fr. Albert Bael na dinaluhan ng mga RMN Employees sa pangunguna ni DXDR Station Manager Edgar Dagumo at ilang mga supporters.

Bilang pasasalamat narin sa publiko sa patuloyng suporta sa mga programa ng RMN-Dipolog, isang feeding program ang inihandog para sa mga kabataan ng Barrio Lapuk sa Barangay Barra ng syudad ng Dipolog.


Nakiisa rin sa selebrasyon ang mga miembro ng DXDR fans club na siyang tumulong sa pagbibigay ng munting handog para sa mga kabataan.

Isang konting salo-salo naman ang nagaganap ngayong tanghali sa RMN-Dipolog.

Facebook Comments