Bilanggo ng MOPJ, patay matapos tumalon sa hagdan ng PDEA Region 10

Sa Cagayan De Oro, Patay ang isang bilanggo ng Misamis Oriental Provincial Jail o MOPJ matapos tumalon sa hagdan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 10 dito sa Cagayan De Oro.

Ito ay nakilalang si Reyjie Reyes, 35 anyos, taga Malaybalay, Bukidnon na limang taon nang nakulong dahil sa kasong murder.

Ayon kay MOPJ Assistant Jail Warden Maricris mulat na nakitaan ng depression si Reyes at kabilang sa kanilang standard operating procedure ay isailalim ito sa drug test kaya dinala ito sa PDEA pero tinanggihan dahil walang request order.


Pabalik na sana sa mopj ang bilanggo kasama ang tatlong escort ng bigla na lamang itong tumalon sa hagdan ng PDEA 10.

Dinala pa sa ospital si Reyes pero namatay rin ito mga alas 9:25 kagabi dahil sa natamong malaking sugat sa ulo.

Facebook Comments