Friday, April 10, 2026

Ika-walong chartered flight mula sa Middle East, dumating sa bansa ngayong araw

342 Filipinos ang dumating sa bansa mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sila ay sakay ng ika-walong chartered flight ng pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy pang kaguluhan sa Middle East.

203 sa dumating ay Overseas Filipino Workers (OFWs), 119 dependents at 20 ang non-OFWs.

Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na tuloy-tuloy ang kanilang repatriation efforts.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy pa rin ang bombahan sa Middle East bagama’t may ceasefire.

Facebook Comments