Ika-walong person of interest sa Percy Lapid murder case, hawak na ng NBI

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ika-walong person of interest (POI) sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid o Percival Mabasa.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Mico Clavano, inilipat kagabi sa kustodiya ng NBI ang inmate mula sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) detention facility.

Sa ngayon aniya iniimbestigahan na ang naturang inmate at umaasa silang magbibigay ito ng statement hinggil sa kaso.


Dagdag pa ni Clavano, mayroon ng limang POIs ang nasa ilalim ng DOJ at tatlong POIs ang nasa ilalim naman ng Philippine National Police (PNP).

Matatandaang noong Huwebes ay nagsimula na ang joint investigation ng NBI at PNP sa pagkamatay ni Jun Villamor, ang itinuturong middleman sa pagpatay kay Lapid at kumuha rin umano sila ng pahayag mula sa apat na iba pang POIs.

Samantala, nag-alok naman ng witness protection program ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamilya Mabasa kasunod ng mga natatanggap nitong death threats.

Facebook Comments