Ikaanim at huling SONA ni Pangulong Duterte, tumagal ng halos tatlong oras

Tumagal ng dalawang oras at 45 minuto ang ginanap na pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon na ginanap sa session hall sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ilan sa mga tinalakay ni Pangulong Duterte ay ang; paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic, panlaban sa insurgency, pagpapatibay ng sandatahang lakas ng Pilipinas laban sa terorismo at komunista, pagsugpo sa iligal na droga, hindi magandang karanasan ng mga Pilipino sa Middle East at ang Build Build Build Program.

Dumating naman sa SONA ang ilang opisyal ng gobyerno at personalidad tulad nina;


– DOTr Sec. Arthur Tugade
– Papal Nuncio Archbishop Charles Brown
– Robin Padilla
– Philip Salvador
– DOT Sec. Bernadette Puyat
– DILG Sec. Eduardo Ano
-DOH Sec. Francisco Duque III
-PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar
-Senators Francis Tolentino, Migz Zubiri, Bong Revilla, Bato dela Rosa, Imme Marcos
-Senate President Vicente Sotto III
-Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo

Dumalo din sa SONA sa pamamagitan virtual si Vice President Leni Robredo suot ang Filipiniana attire nito.

Facebook Comments