Ikaapat na kaso ng Omicron, naitala sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ika-4 na kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.

Ang bagong kaso ay isang 38-anyos na babaeng pasahero mula sa Amerika.

Siya ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong December 10 sakay ng Philippine Airlines flight PR 127.


Nitong December 13 ay nakaranas siya ng pangangati ng lalamunan at sipon.

Ayon sa DOH, siya ay na-expose sa kanyang mga kaibigan sa US bago siya umuwi ng Pilipinas.

Pero siya ay negatibo sa swab test bago ang kanyang flight pauwi ng Pilipinas.

Asymptomatic naman ng pasahero at siya ay naka-isolate ngayon sa kanilang tahanan.

Facebook Comments